NAMRIA | The Central Mapping Agency of the Government of the Philippines
Seal of the Republic of the Philippines       Home       Transparency Seal       Products       Services       Projects


Pasko ng Pagpapala, Pagkakaisa, Pagbibigayan at Pagsasaya sa NAMRIA
News & Event(s) | Joseph Estrella | 22 December 2017 | Print
Isang simple ngunit makabuluhang pagdiriwang ng Pasko ang ginanap sa NAMRIA Multi-Purpose Gym noong ika-20 ng Disyembre 2017 ng mga kawani ng NAMRIA. Ang selebrasyon ay pinangunahan ni Administrator Peter N. Tiangco at kanyang mga opisyal. Ang tema ng padiriwang sa taong ito ay “Paskong 4Ps: Pagpapala, Pagkakaisa, Pagbibigayan, Pagsasaya” kung saan ang Hydrography Branch ang punong-abala. 
 
Ang selebrasyon ay pinasimulan ng pagdiriwang ng banal na misa ni Rev. Fr. Lauro Graciano A. Ramos III ng Our Lady’s Assumption Parish. Binigyan diin ni Fr. Ramos III sa kanyang homiliya ang kahalagahan ng pasasalamat sa mga pagpapalang natamo ng bawat isa at ng buong ahensya. Matapos ang misa, isang panimulang pagbati ang ibinigay ni Commodore Jacinto M. Cablayan, Direktor ng Hydrogaphy Branch, bilang punong-abala ng pagdiriwang. Sinundan ito ng mensahe ni Administrator Tiangco na nagbigay ulat ng mga katuparan ng mga proyekto ng ahensya sa taong 2017. Pinasalamatan nya ang bawat kawani na nagpamalas ng pagkakaisa upang matamo ang mga layunin at pagsasakatuparan ng mga gawain ng ahensya sa pagbibigay ng tunay at tapat na serbisyo para sa bayan.
 
Iniulat ni Administrator Tiangco ang mga pagkakaloob ng ayuda at handog sa iba’t-ibang ahensya at institusyon na nagbibigay tulong sa mga mamayan lalo na sa mga kapus-palad. Isang katunayan na ang ahensya ay hindi lamang nakatuon sa mga teknikal na gawain ngunit may puso rin na handang magbigay ng tulong sa kapwa sa anumang paraan. Ito ay ang mga sumusunod: pagkakaroon ng forum na nagbibigay kaalaman sa paghahanda at pagtugon  sa Climate Change sa Baranggay Pinagsama, Taguig City, pagbibigay tulong para sa mga kabababayan natin sa Marawi na pinadaan sa Philippine National Red Cross, ang direktang ahensya na tumutulong sa mga biktima ng kaguluhan sa Marawi at ang pagtulong at pagbibigay ng saya sa mga matatanda ng Hospicio de San Jose. Isang patunay na ang mga taga NAMRIA ay handang magbahagi ng tulong at panahon para sa kapwa. Matapos ang mensahe ni Administrator Tiangco ay kanyang ipinakilala ang panauhing pandangal na si Kalihim Roy A. Cimatu, Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Isang malugod na pagbati ang kanyang ipinahatid kay Administrator Tiangco at sa mga taga NAMRIA at pasasalamat sa ambag ng ahensya sa mga layunin ng DENR.
 
Ang sumunod ay mga kasiyahang pinatingkad ng mga makukulay at masasayang pagtatanghal ng bawat sangay ng ahensya na nagbibigay ng mensaheng ayun sa tema ng selebrasyon. Isang pagtatangahal din mula sa NAMRIA Chorale ang kanilang ipinamalas. Ang nagwagi bilang may pinakamandang pagtatanghalay mula sa Support Services Branch (SSB). Sinundan ito ng Mapping and Geodesy Branch (MGB) at ng Resource Data Analysis Branch (RDAB) para sa ikalawa at ikatlong pwesto at ang Geospatial Information System Management Branch (GISMB) at Hydrography Branch (HB) para sa natatanging premyo. Nagkaroon din ng mga pa-premyo para sa mga masuwerteng kawaning nabunot sa paripa. Ang bawat sangay ay nagkaroon ng kani-kaniyang pagdiriwang matapos ang programa.
 
 
Ang misa ng pasasalamat ng mga opisyal at kawani ng NAMRIA
 
Si Commodore Cablayan habang nagbibigay ng bating pagtanggap
sa mga nagsidalo sa  programa
 
Si Administrator Tiangco sa pagbibigay ng kanyang mensahe at malugod na pagpapakilala sa Kalihim ng DENR sa mga kawani ng ahensya
 
Si Secretary Cimatu, Kalihim ng DENR at panauhing pandangal sa pagdiriwang
 
Ang mga taga RDAB sa kanilang pagtatanghal
 
Pagpapamalas ng sayaw ng mga taga GISMB
 
Ang mga taga SSB na siyang nagwagi ng may pinaka-magandang pagtatanghal
 
Ang mga taga HB sa kanilang pagsasayaw
 
Ang pagpapamalas ng galing ng mga taga MGB 
 
Ang pagbunot at pagtawag ng mga pangalan ng mapapalad na kawani na binigyan
ng pa-premyo sa naganap na paripa
 
Ang pag-awit ng NAMRIA Chorale ng awiting Pamasko
 
 


Readers can email newscoop@namria.gov.ph or fax letters to +63-2 884-2855 for their comments and suggestions.





<   Previous Next   >





 
RECENT ARTICLES
MONTHLY ARCHIVE
HOME      SEARCH      LOCATE      DOWNLOAD      LEARN About Us       Site Map   



Do you produce road maps?


NAMRIA produces topographic maps that are used as base maps for other thematic maps like land cover, land condition, land classification, cadastral, etc. In addition, we have digital data of road maps available. This data comes from the Department of Public Works and Highways (DPWH).

 


more FAQs






 

.Contact Our Client Service Unit



(632) 887-5466


NAMRIA Main Office
Lawton Ave., Fort Andres Bonifacio
1634 Taguig City, Philippines
Trunkline: (63-2) 810-4831


Government Portal



Executive







Terms of Use     Privacy Policy
Top Page