HOME
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
NATIONAL MAPPING AND RESOURCE INFORMATION AUTHORITY
Department of Environment and Natural Resources
   
You are here > Home > Resources > News and Events

News and Events
  


NAMRIA ipinagdiwang ang Buwan ng Wika
News & Event(s) | Rolly A. Mendoza | 6 September 2017 | Print
 
Ang Pambansang Pangasiwaan sa Pagmamapa at Impormasyon sa Yaman (NAMRIA), sa pamamagitan ng NAMRIA Day Care Center, ay matagumpay na nagdaos ng Buwan ng Wika sa temang ”Filipino Wikang Mapagbago.”  Ang NAMRIA Day Care Center ay nagdaos ng palatuntunan sa NAMRIA Lecture Hall noong ika 31 Agosto 2017.
 
 
Mga batang nagsipaglahok kasama ng kanilang mga guro
 
 
 
Sa pambungad na pagbati ni Agnes Radam ng Seksyon ng Pamamahala ng Tao, inihayag nya na napakahalaga ng okasyon para maitanim sa isipan ng mga bata ang kahalagahan ng wikang Filipino. Kanya ring pinasalamatan ang mga guro at mga taong tumulong para maging matagumpay ang pagdaraos ng nasabing okasyon.
 
Si Gng. Radam sa kanyang pambungad na pagbati
 
Ang natatanging bahagi ng palatuntunan ay ang pagkakaroon ng patimpalak para sa “Ginoo at Binibining NAMRIA 2017“ na nilahukan ng mga mag-aaral ng Day Care Center. Naaliw ang lahat sa pagtatanghal ng mga bata sa pamamagitan ng pag-awit at mga sayaw sa saliw ng naka-iindak na musika. Ang mga ginawaran ng parangal para sa iba't ibang larangan ay ang mga sumusunod:
 
Kagalingan sa Talento- Lucas Andrew Bartolome
Pinakamagandang Kasuotan- Yonna Kayleen Leaño
Ginoong Buwan ng Wika- Qinn Aedan Campaña
Binibining Buwan ng Wika- Yonna Kayleen Leaño
 
Sa pangkalahatan, tunay na naging makabuluhan, produktibo, at mapanghalina ang mga gawaing inilatag ng pamunuan ng NAMRIA bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon.
 


Readers can email newscoop@namria.gov.ph or fax letters to +63-2 8884-2855 for their comments and suggestions.






Top Page